Tuesday, August 31, 2010

Melody Gersbach (Lunes, Nobyembre 18, 1985 - Sabado, Agosto 21, 2010)

Pag sinabing beauty queen, pumapasok sa ating isipan ang mga katangiang maganda, matangkad, sexy atbp. Ang mga beauty queen na ito ay ka iito ay karaniwang makikita natin sila sa mga pageant, partikular sa Bb. Pilipinas, Ms. Universe, Ms. World, Ms. International atbp.

Ngunit nitong Sabado ng Agosto 21, 2010 isang trahedya ang nangyari sa isang lugar sa Camarines Sur matapos isang AUV (Asian Utility Vehicle) ang bumangga sa isang pampasaherong bus. Tatlo sa apat na sakay ng AUV ang dagliang namatay, at isa sa mga ito ay si 2009 Bb. Pilipinas-International Melody Gersbach. Base sa ulat ng mga naroon, nadatnan nila si Gersbach at 2 iba pa na wala nang buhay, habang isa sa mga sakay nito ay kaagad dinala sa ospital. Matndi umno ang pinsala ang tinamo ni Gersbach na bukod sa mga bali-baling mga buto ay halos madisporma ang mukha nito dahil sa impact ng pagkakabangga ng sinasakyan nila. Natural na nakaaabot ito sa kanyang pamilya at malapit na kaibigan ang nangyari. Ngunit sino nga ba si Melody Gersbach sa mata ng mga Pilipino? Ating balikan ang naging buhay mula pagkabata hanggang sa kanyang trahedyang pagkamatay.



PERSONAL NA BUHAY:



Si Melody Adelheid Manuel Gersbach ay isinilang sa Daraga, Albay noong Lunes ng Nobyembre 18, 1985. Pangalawa sa tatlong anak nina Wolfgang Gersbach na isang Aleman, at Marina Manuel. Bagamat sa Albay ipinanganak, ay sa Pampanga ito lumaki partikular sa lungsod ng Angeles. Siya ay nagtapos sa University of Asia and Pacific ng kursong Management na kung saan namahala rin siya sa negosyo ng kanyang magulang sa Bikol.

Si Gersbach ay nagsimulang makilala ng madla nang makoronahan bilang Bb. Pilipinas-International noong nakaraang taon. Siya rin ang kumatawan sa ating bansa sa Ms. Internation Beauty Pageant na ginanap sa Macau, Tsina kung saan pumasok siya sa pang-15 pwesto noon ding nakaraang taon.



TRAHEDYA:

Nitong Sabado ng Agosto 21, 2010 muling napabalita si Gersbach, hindi dahil nagdala ito ng karangalan, ito'y dahil isang nakakagimbal na aksidente ang kinasangkutan nito, matapos banggahin ng isang pampasaherong bus ang kanilang sinasakyang AUV (Asian Utility Vehicle) sa isang lugar sa Camarines Sur. Patay sa nasabing aksidente si Gersbach, kasama ang dalawang iba pa, habang isa pang kasamahan niya ang isinugod sa ospital. Ang trahedyang sinapit ni Gersbach ikinabigla ng lahat, lalu na ni Maria Venus Raj na matalik nitong kaibigan, na nasa Estados Unidos nang mga oras na iyon para lumaban sa Ms Universe 2010 para katawanin ang ating bansa. Ang mga labi ni Gersbach ay inilagak sa kanilang bahay sa Legazpi, Albay. Sinadyang isinara ang kabaong nitro dahil sa pinsalang tinamo nito. Makalipas ng ilang araw ay inilipat naman ang mga labi nito sa Heritage Park sa lungsod ng Taguig, hanggang noong Biyernes ng Agosto 27, 2010 ay inilipat ang mga labi nito sa Holy Mary Funeral Chapel B na harap lamang ng Holy Mary Memorial Park na matatagpuan sa Rizal extension, Brgy. Cutcut, Lungsod ng Angeles, Pampanga. Palibhasa isa akong Kapampangan na taga-Angeles, ay hindi ko pinalagpas na bisitahin ang burol. Sa kabutihang palad ay nakapasok ako sa nasabing burol kasama ang iba pang mga kababayan natin. Bukod pa doon ay nabigyan pa ako ng larawan niya at may nakasaad na "IN LOVING MEMORY OF MELODY GERSBACH". At base sa aking nasaksihan, nakalagay sa kulay light brown na casket ang mga labi ni Gersbach, bukod pa doon ay nakapatong naman ang watawat ng Pilipinas sa kabaong nito at nakapaligid ang mga larawan nito kasama ang koronang napanalunan nito at iba pang karangalan. Bukod pa doon ay may nakita akong mga kilalang personalidad na dumalo sa burol, itoy sina Pangasinan Rep. Gina de Venecia, Makati Rep. Louie Locsin na asawa ni dating Congressman Teddy Locsin, Jr. atbp. Bagamat inaasahan na darating si Ms. Universe 2010 4th runner-up Maria Venus Raj, ay hindi ko na ito naabutan dahil nakatakda pa lang dumating sa madaling araw ng mga oras na iyon. Sa aking pagsilip sa mga labi ni Melody, hindi naman mahahalata na nagkaroon ito ng anumang pinsala sa mukha nito, marahil ay dahil magaling ang nag-aayos sa mga labi nito, mahaba ang buhok. Ganon pa man hindi ko na idedetalye ang ibang napuna ko sa bangkay ni Melody, ito'y bilang respeto na rin sa kanya at sa mga kamag-anak na nag mamahal sa kanya.



PAGLILIBING:

Nitong Sabado, Agosto 28, 2010 ay inihatid na sa kanyang huling hatungan si Melody sa Holy Mary Memorial Park. Gaya ng inaasahan naging emosyonal ang mga pamilya at maging ang mga malalapit na kaibigan nito lalu na ni Ms. Universe 4th runner-up Maria Venus Raj. Inilagay ang mga labi ni Melody sa isang sementong vault na bagamat simple ay aayusin pa ito. Sinabi naman ng ina nitong si Gng. Marina Manuel Gersbach na ang kanyang anak na sana ang pinakahuling mababalita na namatay sa isang aksidente. Nagpaplano na sila na sampahan ng kaso ang driver ng bus na bumangga sa sinasakyan nina Melody na kinilalang si Wilson Fontilla.

Isa naman malaking karangalan sa kin na doon sa nabanggit na sementeryo nailibing si Melody, dahil malapit ang puntod nito sa puntod naman ng aking lolo.

Kaya ang masasabi ko kay Melody, MARAMING SALAMAT, AT PAALAM AT NAWAY MAKAMTAM MO ANG KAHARIAN NG DIOS NA MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT.